Lunes, Enero 6, 2014

Campaign Awareness: Kalikasan Ay Ating Pangalagaan :)

Campaign Awareness: Kalikasan Ay Ating 
Pangalagaan

"Kalikasan ay ating pangalagaan ng sa ganoo'y umunlad ang ating pamumuhay at ating bayan." Yan ang tugon ng ilan nating kababayan na nagsisisi ngayon dahil sa anumalyang nagawa nila sa kapaligiran. May mga bagay na hindi natin alam at hindi maipaliwanag ng mga eksperto kung bakit nangyayari.                               

Katulad na lamang ng napakalakas na lindol na may 7.2 magnitude na tumama at yumanig sa probinsya ng Bohol na sumira ng ibat't-ibang gusali    katulad ng Simbahan, damay din ang ilang lugar sa probinsya ng Cebu

Makalipas ang ilang linggo, gumimbal naman sa buong mundo ang Super Typhoon Yolanda na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagkasira sa ilang parte ng Pilipinas. Nasabi rin na ang bagyong ito ay kumitil ng humigit kumulang 5,000 katao at sumira ng mga ari-ariang nagkakahalaga ng 12.6 bilyong piso. Totoo nga bang pinarurusahan na tayo ng ating panginoon dahil sa dami ng kasalanang ating nagawa? 
                   Pagkaubos ng puno, mga hayop at pagkawala ng malinis na hangin ay ilan lamang sa mga bunga ng walang habas na pang-aabuso ng tao sa Inang Kalikasan. Naniniwala ang karamihan na ang mga delubyong dumarating sa atin ay dinulot ng tao, maniwala ka man o hindi, gustuhin man natin o hindi, wala tayong magagawa.
                 Ako, ikaw bilang kabataan may magagawa tayo para mapaghandaan at malunasan ang mga ganitong pangyayari sa buhay ng tao. "And I'll make a promise to act".


"Kalikasan ay ating kayamanan, Dapat nating pangalagaan".
Kaya tayong lahat ay magtulungan at gawin natin ang lahat upang maibalik ang dating napakaganda, napakamaaliwalas at napakaayos na Inang Kalikasan.